yun ang akala mo...




   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

WELCOME TO THE CHAIN GANG!!!



THE WWE CHAMPION JOHN CENA

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Wednesday, March 29, 2006
Alisin na ang thesis!!!

Wala akong duty this whole week.  Pero pumupunta pa rin akong school.  Sa kadahilanang kailangang gumawa na nasabing thesis.

Anu nga ba ang significance ng paggawa ng thesis?  Para pahirapan ang mga estyudante?  Kung ganun man, nahihirapan na ko.  Ayoko na ng thesis.

2165245.jpg


Posted at 09:01 pm by greenshadow88
Make a comment  

Wednesday, March 15, 2006
Walang Magawa

Habang walang magawa sa harapan ng PC...

Bhen:  Bukas ay exam na sa MS.  Respi pa lang ang nabasa ko.  Ano ng magiging kinabukasan ko nito?

Bhen's Conscience:  "Kalokohan!  Mag-aral ka!"

Bhen:  Gustuhin ko man pero ayaw ko talaga.

Bhen's Conscience:  "Expired na ang mga gamot sa center!"

Bhen:  Kalokohan!  Mag-aaral na lang ako!

Kalokohan ang entry na 'to!

"Mga sundalo!!!"


Posted at 10:08 am by greenshadow88
Make a comment  

Tuesday, March 14, 2006
Mataba ako...

Wala akong magawa dito sa bahay.  Masisira na ata ang ulo ko.  Nawawala pa ang isang pares ng black shoes na ginagamit kong pampasok.  Hindi ko naman yun namisplace dahil tandang-tanda ko pa na sa kwarto ko yon inilagay.  Pero nawawala at hinalughog ko na lahat ng lugar sa bahay namin ay hindi ko talaga makita.  Huhuhu. (sob!)

 

Gusto kong mag-aral pero hindi ko magawa.  Bakit kamo?  Tinamaan na naman ako ng katamaran.

 

 

Dapat ay may exam ako ngayong hapon sa REED ngunit sa kabutihang palad ay exempted ako at hindi ko na kailangan pang kumuha ng exam.  Sa mga kukuha pa, yakang-yaka nyo yan mga tsong!

 

 

Sa mga nagsasabing mataba ako, oo na mataba na ko!  Kayo na ang payat.  Ako na ang mataba.

 

 


Posted at 12:03 pm by greenshadow88
Make a comment  

Saturday, December 24, 2005
WWE RAW Live Tour

Date: February 24, 2006
Venue: Araneta Coliseum
City/State: Manila, Philippines

On-Sale Date: Thursday, December 15, 2005, at 9 a.m.

Ticket Information: Ticket prices: PHP 3,500, 3,300, 2,000, 900 and 400
Reserve now at 9115555 and www.ticketnet.com.ph
or go to your nearest SM ticketnet outlet for tickets.
Hurry as tickets are being sold fast.

3 Way WWE Championship Match with Mick Foley as the Special Referee
John Cena vs. Kurt Angle vs. Triple H

Tag Team Special
Shawn Michaels & Ric Flair vs. Edge (Lita) & "The Masterpiece" Chris Masters

Tag Championship Match
Big Show & Kane vs. Tyson Tomko & Snitsky

Shelton Benjamin vs.Carlito

Chavo Guerrero vs.Trevor Murdoch

Woman's Championship Match
Trish vs. Torrie Wilson

Viscera vs.Lance Cade

*** Line Up Subject to Change ***


Posted at 03:41 pm by greenshadow88
Make a comment  

Sunday, November 27, 2005
ZZZZZZZZZZZZZZZ...........

Ako'y nagbabalik upang maghiganti(?)  Oo, maghihiganti ako dahil sa sobrang dami ng aking mga ginagawa ay ngayon lang muli ako nakapagsulat dito.  Hehe!  Isa-isahin natin ang mga pangyayari:

1.  Nalaman ko lamang na patay na pala si Eddie Gurrero sa pamamagitan ng isang text message.  Noong una ay hindi ako naniniwala dahil akala ko ay joke time lang lahat.  Pero hindi pala siya nagbibiro at totoong patay na nga si Eddie.  Naririnig ko na rin ang mga ito sa mga ibang tao sa aking kapaligiran at napakinggan ko pa nga sa radyo ang tungkol dito at nakita ko na rin ang tribute ng JACT TV para kay Eddie.  Goodbye Eddie...  Huhu...  T_T

2.  Duty namin ngayong 2nd rotation ay sa JP 3rd floor at si Ka Malen ang aming CI.  Na-assign ako sa nag-iisang pasyente sa Male Surgical Ward.  Literal na nag-iisa lang siya sa kwarto kaya 1 on 1 kaming dalawa.  Isa siyang dispatcher at nabangga siya ng motor.  Nakakaawa nga eh kasi tinakbuhan siya at ang kanyang mga kamag-anak, wala man lang pumupunta at nag-aasikasong ipa-opera ang kanyang left lower leg.  Masyado akong nahirapan sa paggawa ng SOAPIE kasi ang last na ward duty ko ay noong prelims pa ng 1st sem.  At napakastrict pa ni maam.  Naku.  Buti na lang kahit papaano ay nakagawa ako ng maayos.  At ito pa, may mga kasabay kaming mga 4th year noong 1st day nung duty at nangingialam sa akin.  Pero ng maglaon mababait naman pala sila at nagkwentuhan kami dun sa Surgical Ward.  Hehe!

3.  Hindi ako nakapanood ng concert ng Hale at sessiOnroad sa San Beda.  Kasi ba naman Fabella DR ang duty ko at 2-10.  No chance in hell na makakapanood ako.  Terible.

4.  May concert ang 6Cyclemind, Bamboo at sessiOnroad sa Island Cove this coming December 7.  At hindi ko na naman alam kung makakapanood ako kasi baka duty yun or lecture.  At depende kung may kasama ako.

5.  Bukas ay andun ang Hale sa SM Dasmariņas at Cueshe' naman sa SM Molino.  Saan ako pupunta?

Nakalimutan ko na ang mga ibang nangyari.  Basta ang alam ko, zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.......

Posted at 01:37 pm by greenshadow88
Comments (2)  

Wednesday, November 09, 2005
HEHE!

Nagsimula ang aming klase last monday at nagsimula rin ito sa bagong gawang building ng HSC at sinimulan rin ng bagong concept sa MS at bago ring mga professors.  Bago rin ang aircon.  Basta bago lahat, yun yon eh.  Hehe!

At bago rin ang lugar kung saan kami nagduty kanina.  Napunta ang kalahati ng aming grupo sa Fabella since konti-konti lang kasi ang pinagduduty dun at hindi pwedeng sabay-sabay.  At kaming mga natira ay napadpad sa TB-DOTS Center located sa Angelo King Building sa HSC.

Nung una ay nagulantang ako at natatakot kasi baka mahawa ako ng nakamamatay na sakit na 'to.  Pero nagtagal-tagal ay yun nawala rin.  Nagpapainom kami ng mga gamot sa pasyente at minsan ay nag-iinjection rin dahil sa gamot na Streptomycin.  At isa pang ikinagulantang ko ay pagdating pa lang namin dun ay binigayn na kami agad ng pre-test pero pasado naman at hindi ko lang alam kung recorded yun kasi ang sinabi naman nung head nurse dun ay gusto nya lang malaman kung hanggang saan ang aming kaalaman tungkol sa sakit na TB.  At yun.  Nakalipas ang ilang taon (kasi sagad-sagaran sa oras) ay nakauwi na rin kami subalit dumain muna ako sa Inaguration ng Wang Building dahil may libre daw pagkain.  Hehe!

Posted at 08:20 pm by greenshadow88
Make a comment  

Thursday, October 27, 2005
ENROLMENT

Nagising ako sa buhos ng malakas na ulan.  Sarap pa sanang matulog subalit kailngan kong pumunta ng HSC dahil enrolment namin.

Dumating ako at hindi ko alam ang gagawin.  Nakita ko yung isa kong classmate at ako sa kanya ay nagtanong.  At ayun.  Mabilis naman ang "due process" ng enrolment kaya't maaga akong nakauwi.

"Lagi na lang umuulan...  Parang walang katapusan..."

Umuulan na naman sa labas.

Posted at 05:54 pm by greenshadow88
Make a comment  

Wednesday, October 26, 2005
AYU-KOW!!!

Wala akong magawa dito sa bahay.  Kumain lamang at matulog ang parati kong ginagawa.  Kaya't naisipan kong maglaro ng badminton para naman medyo mapagpag ako.  At ako ay napasubo sa mga kanchaw ng mga classmate ko.  Asar.  Pero naging masaya naman kami.  Hehe!

Intramurals kanina sa school namin at tinext na ko ng classmate ko the night before Intrams.  Pero ang pinuntahan ko ay ang laro namin ng badminton kasi mas nauna akong umoo dun.  At dapat pupunta kaming QC kanina pero hindi na ko sumama dahil nananakit ang aking lower extremities.



*      *      *

Bukas ay aming enrolment.  Wala lang.  Hehe!

Posted at 09:58 pm by greenshadow88
Make a comment  

Friday, October 21, 2005
MAKE-UP DUTY

Isa ako sa mga mapapalad na estyudanteng nabiyayaan ng make-up duty ngayong semestral break.  Kanina ay kuhanan ng aming class cards subalit hindi ko nakuha bagkus ay ipinakuha ko na lang sapagkat ako nga ay mayroong make-up duty.

Late na naman ako sa make-up duty kanina.  Pero buti na lang ang late na yun ay wala ng katumbas pang make-up duty.  Dumating ako ay nagsisimula na ang isang minor operation (BM excision) at si Maam Sharon Vicedo ang aming CI.  Dalawa lang case for the whole at parehong minor kaya naman ang tanging nagawa ko lang ay nagprep at binigay na lang ang case dun sa mga wala pang minor.  At dahil wala kaming masyadong ginawa kanina ay gumawa na lang kami ng cherries at OS 4 x 8.  At todo non-stop ang kwentuhan.  Hehe!


*      *      *



Birthday ko kahapon at nakakadepress dahil konti lang ang nakaalala.  Boooooooo!!!  :c

Posted at 09:10 pm by greenshadow88
Comment (1)  

Monday, October 17, 2005
COMPREHENSIVE EXAM: DONE

Nagising ako at around 6 am na ng umaga.  Natataranta dahil sa paparating na comprehensive exam.  Binasa ko lang ang mga notes ko sa OB at GD.  Sa PS ay nawawala ang notes ko kaya hindi ako nakapagbasa.

Akala ko ay male-late na ko.  Pagdating ko ay medyo magsisimula na rin ang exam.  Ang aming proctors ay sina Maam Malen at Maam Cabanesas (nakalimutan ko ang kanyang first name).  Pinag-CR muna kami lahat bago magsimula ang exam dahil bawal daw ang lumabas habang nag-eexam.

Start ng exam.  Chineck ko agad kung ilan at ito ay mayroong 200 items.  At ang karamihan sa mga tanong ay situational na naman at mga choose the best answer at doon pa naman ako nahihirapan.  Kung tutuusin, prang balewala lang ang pagbabasa ko dahil kahit basahin at reviewhin ko pa ay wala rin masyadong lumabas.  Konti lang.  At ang pharma lang na kasama ay ang "Antineoplastic drugs".  Asar yun sa mga estyudanteng nag-aral pa talaga ng Pharmakologia.

Natapos ang exam.  Nangalay ang aking batok at nagutom ako.  Medyo tumambay muna ako sa labas at naghintay sa mga mangyayari.  At walang nangyari.  Umuwi ako at sinatisfy ko ang aking gutom sa KFC.  Tapos nun, bumili ako ng McFlurry (capuccino) sa McDonald's.  Whew!  Sarap kumain matapos ang exam.  Kailangan kong ire-store ang energy ng aking mga brain cells.  Hehe!

Pagkadating ko bahay humiga ako at biglang nakatulog.  Paggising ko mga 5 na ata ng hapon at kakain kami sa labas dahil birthday ng kapatid ko.

Whew...  Gusto kong magwrestling...  :)

Posted at 08:37 pm by greenshadow88
Make a comment  

Next Page